Friday, February 11, 2011

Summer

Sana summer na lang ulit.
Para kaklase ulit kita.
Para makita ulit kita araw-araw.

Iba naman na sitwasyon ko ngayon.
Di tulad dati, pwede na tayo siguro.

Nakakatuwa lang.
Kung kailan di na tayo naging magkaklase,
ngayon tayo nag usap.
E dati sa magkabilang dulo pa tayo nakaupo.

Tapos, nung enrollment, nagkita ulit tayo.
Baka dun ko naisip, sana, ikaw na lang yung katabi ko.

Tinanong mo ko kung kamusta na ko.
Sabi ko ok naman na ko.
Nalaman mo kung anong nangyari samin,
sabi mo bigla,
"Goodluck naman sa Valentine's day!"

Salamat sa goodluck.
Pero mas masaya sana kung goodluck sating dalawa di ba?
Haha! Nilalandi lang naman kita.
Pero malay mo, tayo pala talaga.

Sana summer na lang ulit.
Sabi natin noon, magkaklase tayo ulit kay Sir,
sa ibang subject naman.

Sana summer na lang ulit.
Ngayon, ikaw na kausap ko,
ikaw na katabi ko.
Para naman sumaya na summer ko,
pati na rin puso ko.
Corny much!

Sana ngayong summer, SANA.